REP. BAI DIMPLE MASTURA, IBINAHAGI ANG MATAGUMPAY NA PULONG SA PAGITAN NINA CHIEF MINISTER AHOD EBRAHIM AT MAYOR DATU TUCAO MASTURA
- Diane Hora
- Dec 12, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Ibinahagi ni Maguindanao del Norte at Cotabato City Representative Bai Dimple Mastura sa kanyang social media account ang mga lararawan kasama si BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim at si Sultan Kudarat Mayor Datu Tucao Mastura, ang gubernatorial candidate ng Partido Federal ng Pilipinas at United Bangsamoro Justice Party o UBJP sa probinsya.
Sinabi ng mambabatas sa kanyang post na sa kabila ng kaliwa’t kanan na ganap sa kongreso, matagumpay aniya at produktibo ang kanilang naging pagpupulong.
Hindi na idinitalye pa ng opisyal ang mga usaping tinalakay sa kanilang naging pag-uusap.
留言