Resolusyon na humihiling sa Office of the Chief Minister na maglaan ng P10,000 bilang inflation relief assistance para sa mga opisyal at empleyado ng Bangsamoro Government, pinagtibay ng BTA
- Diane Hora
- Feb 12
- 1 min read
iMINDSPH

Pinagtibay ng BTA Parliament ang isang resolusyon na humihiling sa tanggapan ni Chief Minister Ahod Ebrahim na maglaan ng 10,000 pesos bilang inflation relief assistance para sa mga opisyal at empleyado ng Bangsamoro Government ano man ang employment status ng mga ito.

Ito ang isa sa anim na resolusyon na pinagtibay sa sesyon ng Bangsamoro Transition Authority Parliament, araw ng Martes, February 11.

Sa nasabing resolusyon, hiniling sa Office of the Chief Minister na maglaan ng P10,000 bilang inflation relief assistance para sa mga opisyal at empleyado ng Bangsamoro Government ano man ang employment status ng mga ito.

Nakasaad sa nasabing resolusyon na ang tulong pinansiyal ay ipapamahagi bago magtapos ang buwan ng Marso.
Комментарии