Revised version ng Proposed Bangsamoro Revenue Code, isusumite na ng Ways and Means Committee sa BTA Parliament sa katapusan ng buwan
- Diane Hora
- Apr 10
- 1 min read
iMINDSPH

Nasa amendment period ngayon ang Committee on Ways and Means ng BTA Parliament kaugnay sa proposed Bangsamoro Revenue Code.

Kinokonsulta ng komite ang mga relevant ministries sa ngayon para mas mabigyang linaw ang mga probisyon at matiyak na magiging epektibo at patas ang panukalang batas.

Matatandaang isa sa mga nais bigyang prayoridad ni Chief Minister Macacua ay ang proposed Revenue Code.

Sinabi naman ni Ways and Means Committee Chair Paisalin Tago na ito ang top priority ng committee.

Nakatakda namang isumite ng komite ang revised version ng proposed measure sa katapusan ng buwan.
Comments