Ribbon-cutting at Inagurasyon ng bagong opisina ng BTA Parliament sa Taguig, pinangunahan ni Deputy Chief Minister Hatimil Hassan at Deputy Speaker Nabil Tan
- Diane Hora
- Feb 6
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa ang ribbon-cutting at inagurasyon ng bagong opisina ng Bangsamoro Transition Authority Parliament ngayong araw ng Miyerkules, February 5 sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig.

Ang bagong opisina ay magsisilbing hub para sa Bangsamoro lawmakers at central space para sa legislative activities at pagpapabuti ng political representation ng rehiyon sa national capital.

Ayon kay BTA Deputy Speaker Omar Yasser Sema, nilalayon ng pagkakaroon ng opisina sa Taguig ay upang mapadali ang legislative functions at mapahusay ang koordinasyon sa pagitan ng BTA at national government.

Ang ribbon-cutting at Inagurasyon ng bagong opisina ng BTA Parliament sa Taguig, pinangunahan ni Deputy Chief Minister Hatimil Hassan at Deputy Speaker Nabil Tan.
Comments