Rido at suspected election related violence, dalawa sa anggulo na tinututukan ng otoridad na motibo sa pananambang sa kapitan ng Baraas, Picong, Lanao del Sur
- Teddy Borja
- Apr 10
- 1 min read
iMINDSPH

Patay sa ambush si Binjar Julambre Alon Jawad, 25-years old ang incumbent barangay chairman ng Baraas, Picong, Lanao del Sur.

Sugatan naman ang kasama nito na Norhan Comilao Sarip, 20-years old.

Naganap ang ambush alas 9:50 ng umaga, araw ng Miyerkules, April 9 sa Barangay Montay, Malabang, Lanao del Sur.

Sa imbestigasyon ng awtoridad-

Sakay ng SUV ang mga biktima patungo ng Bacayawan, Malabang para dumalo sa isang graduation ceremony. Dumaan umano sa diversion road ang mga biktima kung saan sila tinambangan ng limang hindi pa kilalang suspek ayon sa awtoridad.
Narekober sa crime scene ang mga basyo mula sa pinaniniwalaang caliber 5.56.
Rido at isang suspected election related violence ang anggulong tinututukan ng otoridad sa insidente.
Bình luận