top of page

School library at public madrasah, itatayo ng MBHTE BARMM sa Cotabato City, isa pang public madrasah, itatayo din ng ministry sa bayan ng Pandag; Land Development Building at clinic, itatayo sa SGA

  • Diane Hora
  • Jan 20
  • 1 min read

iMINDSPH



Itatayo ng MBHTE BARMM sa Tamontaka Central School ang isang classroom na library. Ang proyekto ay sa ilalim ng GAAB 2024.



Ito ay nagkakahalaga ng Php 5,109,637.50.


Sa Special Geographic Area sa Pikit-


Itatayo naman ang Land Development Building na nagkakahalaga ng Php 12,152,000.


Ang pondo para sa proyekto ay mula sa SDF 2023.



Dalawang palapag na mayroong apat na silid aralan na public madrasah ang sisimulan na rin ang konstruksyon sa Sitio Pagalungan, Bagua I, Cotabato City.



Ang proyekto ay nagkakahalaga ng Php 9,611,799.06 sa ilalim ng SDF 2023.



Isang one-storey school clinic ang itatayo naman ng ministry sa Manarapan, Kapalawan, SGA, na nagkakahalaga ng Php 2,303,159.92 sa ilalim ng SDF 2022.



Two-storey na may four-classroom na Public Madrasah ang magsisimula na ang konstruksyon sa Kayaga Pandag, Maguindanao Del Sur.



Ang proyekto ay nagkakahalaga naman ng Php 9,711,900.00 at pinondohan sa ilalim ng GAAB 2024.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page