top of page

Sen. Bong Go, emosyonal nang ibinahagi ang kanyang mahigit 20 years na paninilbihan kay dating pangulong Rodrigo Duterte sa "Bring PRRD Home: A Prayer for Tatay Digong"

iMINDSPH



Emosyonal si Senator Bong Go sa harap ng mga supporters ni Tatay Digong sa ginanap na "Bring PRRD Home: A Prayer for Tatay Digong".



Emosyonal si Senator Bong Go sa harap ng mga supporters ni Tatay Digong sa ginanap na "Bring PRRD Home: A Prayer for Tatay Digong".



Napaluha din ang mga supporters ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.



Idinaos ang pagtitipon sa Liwasang Bonifacio, Manila City, araw ng Sabado, March 15, 2025. Isinapubliko ng Senador na hindi naibibigay sa dating pangulo ang kanyang mga gamot, ayon umano kay dating Executive Secretary Salvador Medialdea.



Ikinuwento ng senador ang mahigit 20 years niyang paninilbihan kay Duterte. Kahit naging senador na siya ay hindi niya ito iniwan lalo na pagdating sa kalusugan.


Hiling nito sa lahat ng mga pulitiko na aniya ay pinansin ng former president sa 6 taon na panunungkulan nito na tumulong sa kanila.


Hiniling ng senador na huminahon at magkaisa para sa mapayapang paglaban sa hustisya. Ipinanawagan rin nito na ipagpatuloy lang ang pagdarasal na makabalik ng bansa Ang dating pangulo sa lalong madaling panahon.



Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page