Serbisyong Tampil, tuloy sa paghahatid ng serbisyo sa iba’t ibang bayan sa Maguindanao del Norte handog ng BARMM Grand Coalition
- Diane Hora
- Jan 28
- 1 min read
iMINDSPH

Dental and medical services, eye check up, wellness nutrition, legal services at bagong tsinelas ilan lamang ito sa hatid ng Serbisyong Tampil sa patuloy na pag-iikot sa iba’t ibang bayan sa Maguindanao del Norte handog ng BARMM Grand Coalition.

Tinungo ng grupo ang bayan ng Parang, araw ng Lunes.

Pinangunahan ito ni dating TESDA Director General at gubernatorial Candidate Datu Suharto “Teng” Mangudadatu, One Maguindanao Vice Governor Bai Ainee Sinsuat, Vice Mayor at mayoral candidate Adnan Biruar, vice mayoral candidate Atty. Mimbalawag Mangutara at iba pang mga opisyal.
Nagpapasalamat naman ang mga residente sa tulong na natanggap.
Comentários