Serye ng seminar hinggil sa Safe Overseas Employment, ikinasa ng MOLE para sa mga Prospective Overseas Bangsamoro Workers
- Diane Hora
- Feb 3
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa ang unang session ng orientation seminar hinggil sa Safe Overseas Employment for Prospective Overseas Bangsamoro Workers ng Overseas Workers Welfare Bureau ng Ministry of Labor and Employment, a-30 ng Enero sa Punong Barangay, Barangay Poblacion 7.

Layunin ng seminar na maturuan ang mga aspiring OBW ng sapat na kaalaman at guidance para matiyak na ligtas at handa ang mga ito sa pagtatrabaho abroad.

Dumalo sa seminar ang mg OBW aspirants edad 24 anyos pataas.

Kaparehong aktibidad din ang isinagawa sa Cotabato State University kung saan kalahok ang mga graduating students.

A-31 naman ng Enero nang isagawa ang ikatlong seminar sa barangay hall ng Poblacion 1, Cotabato City.
Ibinahagi rin sa mga partisipante ang iba pang programa ng MOLE at serbisyo ng ministry para sa mga OBW kabilang dito ang reintegration, repatriation, at social benefits programs, gayundin ang technical vocational trainings at annual convention.
Ayon sa MOLE, mahalaga ang maunawaan ang employment contracts, managing challenges abroad, at financial literacy.
Comments