Sibilyan, nasawi matapos tamaan ng bala nang pagbabarilin ang sundalo ng 33rd IB ng hindi pa kilalang suspek habang nakikipagpulong sa dati nitong informant sa Rajah Buayan, Maguindanao del Sur
- Teddy Borja
- Feb 3
- 1 min read
iMINDSPH

Patay si Jabber Ambal, residente ng Barangay Dapantis, Rajah Buayan, Maguindanao del Sur matapos tamaan ng bala nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek si Sergeant Panfilo Callar ng 33rd IB ng Philippine Army.

Binaril ang sundalo habang nakikipagpulong sa dati nitong informant, a-2 ng Pebrero, ayon sa report ng Rajah Buayan Police.
Agad tumakas ang mga salarin matapos isagawa ang krimen ayon sa otoridad.
Dinala naman sa pagamutan ang sundalong biktima.
Narekober sa crime scene ang isang basyo ng bala mula sa di pa natutukoy na baril. Isusumite ito sa RFU BAR para sa ballisitc examination.
Comments