SINTOMAS NG MONKEYPOX AY LAGNAT, PANTAL, PAMAMAGA NG KULANI, AT PANANAKIT NG KATAWAN
- Diane Hora
- Nov 22, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Ang Monkeypox ay isang sakit na maiiwasan kung tayo ay may sapat na kaalaman. Narito ang mga dapat tandaan ayon sa Integrated Provincial Health Unit ng Lanao del Sur.
Ang public advisory ay pinalalakas ng IPHO kasunod ng suspected case ng monkeypox sa bayan ng Malabang, Lanao del Sur.
Ang mga sintomas ng sakit ay kinabibilangan ng Lagnat, pantal, pamamaga ng kulani, at pananakit ng katawan.
Nakakahawa ang sakit kapag malapitan ang kontak sa taong may sakit, gamit na kontaminado, o hayop na may impeksyon.
Maiiwasan ang sakit sa pamamagitan ng paghugas ng kamay nang madalas, iwasang makipag-ugnayan sa may sintomas, at panatilihing malinis ang mga gamit at lugar.
Agad kumunsulta sa doktor kapag nakaramdam ng sintomas.
Sa mga residente ng Malabang at sa buong lalawigan ng Lanao del Sur kung saan naitala ang isang suspected case ng monkeypox, agad makipag ugnayan sa cellphone number na makikita ninyo sa inyong screen.




Comments