iMINDSPH

Sa pinalakas na anti-criminality campaign ng PNP PRO 12, nakumpiska sa isang checkpoint ang mga ipinuslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng 275,000 pesos, a-9 ng Marso sa Purok Ferry, Barangay Namnama, Koronadal City.
Narekober din ang isang baril at suspected shabu.
Sa report ng PNP PRO 12-
Nagsasagawa ng checkpoint ang mga elemento ng Koronadal City Police Station at Regional Intelligence Division 12 nang ma-flagged down ang isang kotse sakay ang dalawang indibidwal na kinilala sa alyas na “Arnel” 33 years old, residente ng Poblacion M’lang, Cotabato at alyas “Biboy” 35 years old, residente ng Sto Niño, South Cotabato.
Ang mga naarestong indibidwal at nakumpiskang kontrabando at baril ay dinala na sa
Koronadal City Police Station.
Haharap ang mga ito ng kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act, at RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Comments