Solar energy system, ilalagay ng provincial government ng Basilan sa Lamitan at Sumisip District Hospital
- Diane Hora
- Oct 21
- 1 min read
iMINDSPH

Kasado na ang proyekto hinggil sa installation ng solar energy system sa Lamitan at Sumisip District Hospitals.
Ito ang pangako ni Governor Mujiv Hataman sa mga taga Basilan sa kanyang unang isang daang araw sa panunungkulan.
Layunin ng proyekto na matiyak ang patuloy at reliable medical services sa mga residente sa lugar sa gitna ng krisis sa enerhiya.
Agarang tugon ito ng kanyang administrasyon na isa sa kanyang prayoridad pagdating sa public health sa ilalim ng HELPS o Healthcare, Education and Environment, Livelihood and Economic Development, Public Safety and Security, at Social Cohesion..



Comments