top of page

South Cotabato, pinarangalan ng Task Force Balik-Loob ng DND bilang Best Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) Implementer sa Region XII

  • Diane Hora
  • May 26
  • 1 min read

iMINDSPH



Tinanggap ng South Cotabato Provincial Government ang parangal bilang Best Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP Implementer sa buong region 12.


Iginawad ito sa probinsiya a-21 ng Mayo sa 7th Founding Anniversary celebration ng programa sa Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City.


Kinilala ng parangal ang outstanding efforts ng South Cotabato sa peace building at reintegration ng former rebels sa mainstream society.


Ang South Cotabato, sa ilalim ng liderato ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. ang nagpatupad ng isa sa mga epektibo at compassionate local E-CLIP programs sa bansa.


Sa pamamagitan ng pakikipag ugnayan sa national agencies, local government units, at security forces, ini-empower ng probinsiya ang mga former rebels sa pamamagitan ng livelihood support, financial assistance, skills training, housing, at psychosocial aid.


Pinuri ng Task Force Balik-Loob ang model reintegration efforts ng probinsiya at hinihikayat ang iba pang local government units na tularan ang kaparehong inclusive at sustainable strategies.


Ayon sa provincial government, pinagtibay ng parangal ang pangako ng lalawigan na long-term peacebuilding, transforming lives, healing communities, at magtanim ng pundasyon para sa pangmatagalang kaunlaran.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page