Strategic meeting, ikinasa ng MOTC BARMM para tugunan ang mga hamon na kinaharap ng mga tanggapan sa ilalim ng ministry
- Diane Hora
- Feb 6
- 1 min read
iMINDSPH

Nagharap sa strategic meeting management at executive committees ng MOTC BARMM at tinalakay ang mga hamon na kinakaharap ng bawat tanggapan sa ilalim ng ahensiya.

Pinag-usapan din ang strategic directions at pressing issues ng bawat ahensiya na dinaluhan ng mga service directors mula sa land, water at air services sectors

Isa sa mga binigyang diin sa pulong ang procurement at supply, na naging dahilan ng pagka antala ng pagpapatupad ng proyekto.

Kasunod nito, tinalakay ang tracking system, na dinisenyo para mapadali ang pagpoproseso at matukoy ang delays sa workflow.
Inaasahang mapapahusay ng system ang transparency at accountability, at matiyak ang timely delivery ng services.
Prenisinta din sa pulong ang 2025 budget at status reports sa budget utilization upang masiguro ang proper allocation ng resources.
Inilunsad sa pulong ng MOTC ang BUR o Budget Utilization Report Monitoring Tool at standardized documentary checklist para maibsan ang administrative errors.
Tinutukan din sa pulong ang estado ng mga ongoing projects at updates sa 2024 performance report at ang ministry's strategic planning efforts.
Comments