SUBPOENA PARA KAY VICE PRESIDENT SARA DUTERTE, ISINILBI NG NBI DAHIL SA PAGBABANTA NITO KAY PANGULONG FERDINAND MARCOS JR; NBI, IPINAG-UTOS ANG PAGHARAP NI VP SARA SA KANILANG TANGGAPAN
- Diane Hora
- Nov 26, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Isinilbi na ng National Bureau of Investigation Special Task Force ang subpoena para kay Vice President Sara Duterte sa kanya umanong pagbabanta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang subpoena ay may petsang November 25, 2024.
Tinanggap naman ito ng staff ng Bise Presidente sa tanggapan nito sa Mandaluyong alas 12:52 kaninang tanghali.
Nakasaad sa subpoena ang kautusan sa bise presidente na magtungo sa tanggapan ng NBI at humarap kay NBI Director Jaime Santiago sa darating na a-29 ng Nobyembre, alas 9 ng umaga.
Ito’y upang bigyang linaw ang umanoy grave threats sa ilalim ng Article 282 ng Revised Penal Code na may kaugnayan sa Section 6 ng Republic Act 10175 at posibleng paglabag sa Republic Act 11479.
Opmerkingen