BARANGAY KAGAWAD NG MOTHER KABUNTALAN, SUGATAN SA PAMAMARIL
- Teddy Borja
- Dec 9, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Sugatan ang 57-anyos na Barangay Kagawad ng Payan, Mother Kabuntalan matapos barilin sa boundary ng Purok Tiyugun, Barangay Tamontaka 4, Cotabato City, Katamlanganan, Sultan Kudarat at Mother Kabuntalan pasado alas 6 ng gabi, araw ng Biyernes, December 6.
Sa inisyal na imbestigasyon, habang naghahapunan ang biktima, pumasok ang hindi pa nakikilalang mga suspek sa kanilang bahay at walang anumang alinlangan ay binaril ang biktima ng paulit-ulit na tinamaan sa kanan at kaliwang bahagi ng tiyan ng biktima.
Agad namang tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon matapos ang krimen.
Kasunod nito, narekober sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong basyo ng bala ng kalibre .45.
Blanko pa ang otoridad sa pagkakakilanlan ng mga salarin at kung ano ang motibo sa krimen.
Commentaires