SUNDALO NA ESKORT NG ISANG KONSEHAL NG DATU SALIBO, MAGUINDANAO DEL SUR, AT ISA PANG INDIBIDWAL, SUGATAN MATAPOS BARILIN SA BAYAN NG AMPATUAN
- Teddy Borja
- Dec 10, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Binaril alas 5:15 ng hapon, araw ng Lunes sa palengke ng Ampatuan, Maguindanao del Sur ang isang Anwar Tadtagan Abdulrazak, 48-years old.
Base sa imbestigasyon ng otoridad, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima nang biglang pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin pagsapit nito sa lugar.
Tinamaan naman ng ligaw na bala sa binti si Cpl Jerome Usman na nakadestino sa 6th IB at eskort ng isang konsehal ng Datu Salibo, Maguindanao del Sur.
Agad isinugod sa pagamutan ang mga biktima.
Tumakas naman ang mga salarin sa di matukoy na direksyon.
Narekober mula sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang fired cartridges ng hindi pa batid na kalibre ng baril, na isusumite sa RFU BAR para sa ballistic examination.
Comments