Suspek sa Insidente ng Pamamaril sa Sinsuat Avenue, Cotabato City kung saan 1 ang Patay at 4 ang Sugatan, Tukoy na ng Otoridad!
- Teddy Borja
- Jan 9
- 2 min read
iMINDSPH
Sapul sa CCTV ang nangyaring pamamaril kung saan nasawi si Ahmad Kanapia Utto, 25-anyos, residente ng Barangay Baruraw, Sittio Damabago, Sultan Sa Barongis, Maguindanao Del Sur.
Sugatan sa pamamaril si Marato Angkangatan Felmin, ang Brigade Commander ng 105th Base 15th Brigade ng MILF na nagtamo ng tatlong tama ng bala sa likod.
Tama sa kamay ang tinamo ni Jaypee Felmin Emran, ang Brigade Commander ng 105th Base 16th Brigade ng MILF.
Ang dalawang commander ay pawang residente ng Barangay Baruraw Sultan sa Barongis, Maguindanao del Sur.
Sugat sa braso din mula sa bubog ng salamin ang tinamo naman ni Alladin Utto na isa sa mga sakay ng pick-up.
Isang bystander din ang tinamaan ng bala sa braso na kinilalang si Tahir Tega Sam, 61 years old na residente ng lungsod.
Limang sakay ng pick up ang nakaligtas sa pamamaril.
VICTIM 6- JOHAR FILMEN, male, 30 years old (April 16,1995) married, and a resident of Barangay Baruraw, Sittio Damabago, Sultan Sa Barongis,Maguindanao Del Sur.(Unharmed)
VICTIM 7- NASRULLAH MAULANA, male, 32 years old ( July 15,1995, married, and a resident of Barangay Baruraw, Sittio Damabago, Sultan Sa Barongis,Maguindanao Del Sur.(Unharmed)
VICTIM 8- YUSOP KAMAD, male, 42 years old (March 15,1982), married and a resident of Barangay Baruraw, Sittio Damabago, Sultan Sa Barongis,Maguindanao Del Sur.(Unharmed)
VICTIM 9- SAID KANAPIA FILMEN, male, 27 years old(April 11,1997), single and a resident of Barangay Baruraw, Sittio Damabago, Sultan Sa Barongis,Maguindanao Del Sur.(Unharmed)
VICTIM 10- MAR OMAR SABANG ANGKANGAT, male 27 years old (February 1,1997), married a resident of Barangay Baruraw, Sittio Damabago, Sultan Sa Barongis,Maguindanao Del Sur.(Unharmed)
Tatlong basyo ng bala ang natagpuan sa crime scene na mula sa caliber 45.
Sa mga inilabas na CCTV footage kitang-kita rin kung paano tumakas ang salarin.
Comments