top of page

Suspek sa pamamaril, patay sa mag-asawa sa Zamboanga City, napasakamay na ng otoridad!

  • Teddy Borja
  • Jan 23
  • 1 min read

iMINDSPH


Timbog ng mga elemento ng Zamboanga City Police Office ang suspek sa pamamaril sa syudad. Kung saan nasawi ang mag-asawa sa Barangay Boalan, a-22 ng Enero.


Ito ang isinapubliko ng ZCPO sa kanilang facebook post.


Ayon sa ZCPO, base sa tracker team ng ZCPO at mga elemento ng Police Station 5 ng lungsod, nakakuha sila ng critical evidence na nagresulta sa pagkakatukoy sa supsek. Positibo rin umanong tinukoy ng mga testigo sa lugar ang suspek.


Base sa preliminary investigation, iniuugnay ang nangyaring pamamaril sa nangyayaring away sa lupa. Patuloy pa ang pangangalap ng dagdag na leads ang otoridad sa insidente.


Kinilala ang mga biktima sa pamamaril na sina Fathie Bara Loong at asawa nitong nakilalang si Bai Rivalia na binaril sa loob ng sasakyan kung saan naroon ang kanilang apat na taong gulang na anak.


Nakaligtas ang bata sa pamamaril.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page