top of page

TANGKANG PAGPASOK NG ISANG LALAKI SA BAHAY NI ATTY. KITEM KADATUAN JR KAGABI, SAPUL SA CCTV

  • Teddy Borja
  • Dec 19, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa ibinahagi na post ng abugado, sa kanyang social media account alas 11:52 kagabi nangyari ang insidente.


Mabuti na lamang aniya at nahagip ng camera at naagapan. Napag-aralan na rin daw ng mga suspek ang lugar dahil gumamit pa ang isa sa mga ito ng payong para matakpang ang mukha nito.


Makikita sa video na habang naglalakad ang suspek hawak-hawak nito ang payong. Sa pangatlong video naman ay makikita na may dalang baril ang suspek. Dinig din sa video na ilang beses itong sinigawan ng abugado na lumabas.


Pinaputukan umana ito ni Atty. Kadatuan Jr nang magkita sila ng suspek. Sa video makikita na agad tumakbo ang suspek sa likod ng kanilang bahay.


Narekober naman ang payong na gamit ng suspek. May nakakita rin umano na may kasama pa itong dalawa.


Nagpapasalamat si Atty. Kadatuan sa maagap na pagresponde ng pulisya at pagtugon ng kanilang mga kaanak sa pangyayari.


Ibinahagi ng abugado ang pangyayari para na rin magbigay ng kamalayan sa publiko.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page