Taunang pagtitimbang at pagsusuri ng nutrisyon ng mga bata sa Bayan ng Parang, opisyal nang sinimulan sa ginanap na Operation Timbang Plus (OPT Plus) 2026 Kickoff Ceremony na ginanap sa Barangay Sambe
- Diane Hora
- 1 day ago
- 1 min read
iMINDSPH

Ang aktibidad ay nagsilbing hudyat ng mas pinaigting na kampanya ng lokal na pamahalaan upang masiguro ang maayos na kalusugan at wastong nutrisyon ng mga batang Parangueño—lalo na sa kanilang unang mga taon ng paglaki.
Pinangunahan ang kickoff ceremony sa buong suporta ni Cahar Ibay, kasama si Dr. Sophia Ibay, na kapwa aktibong nagsusulong ng mga programang pangkalusugan at pang-nutrisyon sa munisipyo.
Nakiisa rin sa aktibidad ang kinatawan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Norte na si Suwaib Wawa Ibay, gayundin si Mae Quesada, Municipal Planning and Development Officer.
Malaki rin ang naging papel ng mga barangay officials sa tagumpay ng aktibidad. Pinangunahan ng mga punong barangay na sina Alexander Guiamad ng Gadungan at Guiwan Benito ng Samberen ang pagtanggap sa mga kalahok, kasama ang iba pang Punong Barangay ng Bayan ng Parang na aktibong sumuporta sa programa.
Ayon sa mga health workers, ang OPT Plus ay hindi lamang simpleng pagtitimbang. Isa itong mahalagang hakbang upang maagang matukoy ang mga batang nangangailangan ng agarang nutrisyon at interbensyong pangkalusugan, at upang mas maayos na maiplano ang mga susunod na programa ng pamahalaan.
Mula naman sa Rural Health Unit ng Parang, sa pangunguna ni Abdul Rahman Biruar, muling binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng LGU, barangay officials, at komunidad upang maging epektibo ang layunin ng OPT Plus 2026.



Comments