top of page

TECHNICAL WORKING GROUP, PINAGKASUNDUAN SA IGRB MEETING NA BUUHIN PARA SA MAAYOS NA TRANSITION NG SULU MULA SA BARMM PATUNGONG NATIONAL GOVERNMENT

  • Diane Hora
  • Dec 13, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Nagharap muli ang mga kinatawan ng gobyerno at MILF sa ika-dalawampu’t isang pulong ng Intergovernmental Relations Body o IGRB, araw ng Miyerkules, December 11.


Sa pulong, nagkasundo ang dalawang panig na bubuo ng Technical Working Group na tututok para sa maayos na transition ng probinsya ng Sulu mula sa BARMM patungo sa national government.


Pangunahing katungkulan ng TWG ang pagdevelop ng transition plan laman ang reassignment ng employees, financial support mechanism mula sa National Government upang matiyak na tuloy-tuloy ang paghahatid ng serbisyo sa Sulu, implementasyon ng kasalukuyan at planned programs, activities, proyekto para sa Sulu, proseso at arrangements ng revenue collections at fees sa kasagsagan ng transition; transfer of ownership ng Bangsamoro government-owned assets at properties sa Sulu sa kaukulang entities.


Dumalo sa pulong si Sulu Governor Abdusakur Tan na nagpasalamat sa pagtutok ng IGRB sa transition process ng probinsya.


Ang IGRB ay naitatag taong 2019 na binubuo ng mga representante mula sa iba’t ibang ahensiya at ministries mula sa national at BARMM governments.

 
 
 

Kommentarer

Betygsatt till 0 av 5 stjärnor.
Inga omdömen ännu

Lägg till ett betyg

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page