THE COMMON GOAL
- Diane Hora
- Jan 21
- 1 min read
iMINDSPH

Libu libong mga mananampalatayang Islam ang dumalo sa isinagawang ‘Interfaith and Islamic Conference in Understanding Islam and Co-Existence’ sa bayan ng Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Sur.

Ang pagtitipon ay naging posible sa inityatibo ni dating TESDA Director General Datu Suharto Mangudadatu kasama sina Maguindanao del Sur Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu, Sultan Kudarat Governor Datu Ali Pax Mangudadatu at lokal na pamahalaan ng Datu Abdullah Sangki sa pangunguna ni Mayor Datu Suharto Al wali Mangudadatu.

Higit na ipinaliwanag ng mga International Islamic Speakers na kinabibilangan ni Mufti Ismail Menk, Shiek Adnaan Menk, Dr. Muhammad Salah, Brother Wael Ibrahim at Local expert Ustadh Saguir Salendab ang tunay na kahulugan ng Relihiyong Islam, ang kahalagahan at kahulugan ng taimtim na pananampalataya kay Allah at ang patitiwala sa anong mang ipagkakaloob niya.

Bahagi rin ng nasabing programa ang isang raffle draw para sa libreng Hajj and Umrah ngayong darating na Ramadhan. Marami sa mga dumalo ang nabunot na maswerteng bibisita sa Holy land nang libre ngayong darating na buwan ng pag-aayuno.
Umuwi ang mga dumalo dala hindi lamang ang mga aral ng Islam kundi ang mga munting paalalang mag tiwala sa kung ano man ang kaloob ni Allah.
Comments