Top 2 at Top 6 Most Wanted Persons ng Davao Region na nahaharap sa iba’t ibang kaso, arestado!
- Teddy Borja
- Feb 4
- 2 min read
iMINDSPH

Kulong ang isang lalaki matapos isilbi ng mga elemento ng PNP PRO 11 ang warrant of arrest sa kasong 2 counts ng Statutory Rape sa tulong ng mga elemento ng PNP PRO 7.
Hinuli ang supsek sa Purok 1, Barangay San Roque, Talibon, Bohol.
Ang warrant of arrest ay inisyu ng Acting Presiding Judge ng RTC Branch 33, Eleventh Judicial Region, Davao City, Davao Del Sur, na may petsa na September 27, 2024.
Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso.
Ang naaresto ay kabilang sa Top 6 Regional Level Most Wanted Person.
Nasa kustodiya na ng Talibon Municipal Police Station, Bohol Police Provincial Office ang naarestong indibidwal para sa disposisyon ng kaso.
Samantala-
Tiklo rin ang isa pang lalaki na Top 2 Most Wanted ng region 11.
Inaresto ito sa Chapter 4, Tienda Aplaya, Digos City.
May warrant of arrest ang suspek sa kasong robbery with homecide na inisyu ng Presiding Judge ng the 11th Judicial Region, Branch 21, Bansalan, Davao Del Sur, na may petsa na February 22, 2024.
Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso.
May warrant of arrest din ang suspek sa kasong murder na inisyu ng 12th Judicial Region, Branch 20, Tacurong City, na may petsa na July 28, 2012.
At isa pang warrant of arrest para sa kasong multiple attempted homicides na inisyu ng 11th Judicial Region, Branch 26, Surallah, South Cotabato, na may petsa na July 6, 2023, at warrant of arrest sa kasong grave coercion sa ilalim ng Art. 286 RPC as amended by RA 10591 na inisyu ng Presiding Judge ng 11th Judicial Region, Branch 3, General Santos City, South Cotabato, na may petsa na July 26, 2021.
Nasa kustodiya na ng Digos City Police Station, Davao Sur Police Provincial Office ang naarestong indibidwal para sa proper disposition ng kaso.
Comments