Top 4 at Top 5 Most Wanted Persons ng region 11, tiklo sa magkahiwalay na pagsisilbi ng warrants of arrest ng otoridad!
- Teddy Borja
- Feb 4
- 1 min read
iMINDSPH

Tiklo ang isang nagngangalang Russel, matapos isilbi ng otoridad ang Warrant of Arrest, laban dito sa kasong four counts of Statutory Rape, a -2 ng Pebrero.
Inaresto ang suspek sa Upper Barrio, Brgy Cabuaya, Mati City, Davao Oriental.
Kabilang ang naaresto sa Top 4 Most Wanted ng region 11.
Ang Warrant of Arrest ay inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, 11th Judicial Region, Branch 8, Mati City, Davao Oriental na may petsa na January 27, 2025.
Isinilbi ito ng tracker team ng Mati City Police Station katwang ang Regional Mobile Force Battalion 11, Regional Intelligence Unit, the Provincial Intelligence Unit, at ng Criminal Investigation and Detection Group Davao Oriental Field Office.
Nasa kustodiya na ng Mati City Police Station ang suspek para sa proper dokumentasyon
Samantala-
Arestado rin ang isang nagngangalang Nimberto, na kabilang sa Top 5 Most Wanted Person ng rehiyon onse.
Inaresto ito sa Purok Pine Tree 1, Poblacion, Maragusan, Davao de Oro sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na isinilbi ng Sasa Police Station sa tulong ng 1st City Mobile Force Company ng DCPO at personnel ng Criminal Investigation and Detection Group City Field Unit.
Ang Warrant of Arrest ay inisyu ng Presiding Judge of RTC 11 Branch 12, Davao City, na may petsa na June 19, 2024.
Walang nirekomendang piyansa ang korte sa kaso.
Nasa kustodiya na ng Sasa Police Station ang naaresto para sa wastong disposisyon.
Yorumlar