Top 5 Most Wanted Person ng Maguindanao del Norte, arestado sa Datu Odin Sinsuat na nahaharap sa kasong murder
- Teddy Borja
- 3 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ng awtoridad ang Top 5 Most Wanted ng Probinsya na nahaharap sa kasong murder.
Ang suspek ay 56-anyos, residente ng Labungan ng nasabing bayan.
Inaresto ito alas 2:15 ng hapon, a-10 ng Hulyo sa Barangay Poblacion sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong Enero 10, 2025 ng Presiding Judge ng RTC Branch 13, 13th Judicial Region, Cotabato City.
Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso.
Ang suspek ay pansamantalang nasa kustodiya ng DOS MPS para sa dokumentasyon bago ibalik ang warrant sa korte na naglabas nito.
Comments