iMINDSPH

Sisimulan na ang konstruksyon ng Provincial Training Center Dormitory at computer laboratory sa Paniongan, Bongao, Tawi-Tawi.

Isinagawa ang groundbreaking ng proyekto a -13 ng ENERO
Ang proyekto ay nagkakahalaga ng 23,922,260 mula sa Special Development Fund 2023 at General Apropriations Act ng Bangsamoro Government 2024.
Isinagawa din a-17 ng Enero, ang groundbreaking ng itatayong Technical Education Provincial Training Center at 2 unit ng Computer Laboratory sa Basilan Provincial Training Center sa Lamitan City.
Ito ay nagkakahalaga ng Php 37,290,293.83 na mula sa GAAB 2023-2024.
Sa Cotabato City naman, itatayo din ang Provincial Training Center sa Cotabato City Manpower Development Center. Ito ay sa ilalim ng SDF 2023.
Bahagi ito ng hakbang ng MBHTE sa pagpapahusay pa ng access to quality education, at pagtiyak na walang Bangsamoro learner ang mapag iiwanan.
Comments