Tricycle driver, patay sa naganap na pamamaril sa Buluan, Maguindanao del Sur
- Teddy Borja
- 6 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Binaril din ang isang tricycle driver sa Buluan, Maguindanao del Sur habang minamaneho ang kanyang motorsiklo.
Kinilala ang biktima na si Samil Deliyoden Dimaukom, 47 taong gulang at residente ng Brgy. Lower D'lag, Pandag, Maguindanao del Sur.
Ayon sa imbestigasyon ng Buluan Police, habang minamaneho ng biktima ang kanyang tricycle, nilapitan umano ito ng hindi tukoy na suspek at pinagbabaril ito.
Nagtamo ng tama ng bala sa likod at dibdib ang biktima.
Naisugod pa ang biktima sa Buluan District Hospital ngunit ideneklara na itong dead on arrival ng attending physican.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang apat na basyo ng bala na pinaniniwalaang mula sa cal. 45 na nasa kustodiya na ngayon ng Buluan MPS para sa kaukulang disposisyon.
Comments