Tricycle driver, sugatan matapos barilin sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte; Father-in-law ng biktima, isa sa mga suspek sa pamamaril
- Teddy Borja
- Feb 5
- 1 min read
iMINDSPH

Sugatan ang 36-anyos na tricycle driver na si Emran Salendab, matapos barilin ala 6:20 kagabi sa Cotabato-Shariff Aguak road, Poblacion Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Isa sa mahigit kumulang sampung suspek sa pamamaril ang father-in-law ng biktima.
Base sa imbestigasyon ng otoridad sakay ng motorsiklo ang biktima kasama ang anak nito nang makita nila ang suspek.
Nakipag usap pa umano ito sa saglit sa biktima pero bigla na lamang umanong lumapit ang isa sa mga kasama ng kanyang biyenan at agad siyang binaril.
Tinutugis na ng otoridad ang mga suspek. Blanko pa ang otoridad sa motibo sa krimen.
Comments