top of page

Tulay ng Quirino, hindi repair kundi reconstruction ang kinakailangan ayon sa DPWH; Estado ng pagsasaayos sa tulay at mga hakbang ng ahensiya, ibinahagi ng DPWH

  • Diane Hora
  • 9 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Hindi repair kundi reconstruction ang kinakailangan sa Quirino Bridge. Ito ang binigyang diin ni DPWH Senior Undersecretary Engr. Emil Sadain sa pulong nila ni Governor Datu Tucao Mastura kasama ang mga opisyal ng lalawigan. Ibinahagi rin ni Engr. Sadain ang estado at mga nagpapatuloy na hakbang hinggil sa pagsasaayos sa tulay ng Quirino.



Binigyang diin ng gobernador na sana’y madaliin na ang pagsasaayos ng tulay dahil ito aniya ang pangunahing ibinabatikos sa kanyang pamumuno sa Sultan Kudarat bagama’t makailang ulit na umano niyang ipinaliwanag na hindi ito sakop ng LGU at ng BARMM Government.


Nagbigay rin ng kanilang saloobin si Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem Mastura sa perwisyo na dulot sa mga motorista ng pagkasira ng Simuay Bridge at ang hindi pa naayos na Quirino Bridge.


Umaasa naman si Sultan Mastura Mayor Datu Mando Mastura at Maguindanao del Norte Provincial Administrator Datu Sharifudin Tucao Mastura na hindi na mabinbin pa ang mga gagawing hakbang sa nabanggit na mga proyekto.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page