TULONG PINANSIYAL, TINANGGAP NG MGA BENEPISYARYO NG AICS SA DATU PIANG, MAGUINDANAO DEL SUR
- Diane Hora
- Dec 9, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa ng DSWD 12 at Provincial Government ng Maguindanao del Sur ang payout para sa mga benepisyaryo ng AICS Program sa bayan ng Datu Piang.

Pinangunahan ni Governor Bai Mariam Mangudadatu ang distribusyon katuwang ang Department of Social Welfare and Development Region XII.

Ang AICS ay isang programa ng pagbibigay ayuda para sa mga mamamayan na hirap sa pang araw-araw na pamumuhay sa probinsya ng Maguindanao del Sur na inaasahang makakatulong sa kanilang mga pangangailangan.

Nagpapasalamat naman ang mga benepisyaryo sa natanggap na tulong.

Binigyang diin ng gobernador na magpapatuloy ang programa upang matulungang maiangat ang bawat sektor sa probinsya.

Comments