TUPAD PAYOUT AT MEDICAL & OUTREACH PROGRAM, ISINAGAWA NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG MAGSUR SA BAYAN NG SOUTH UPI
- Diane Hora
- Dec 11, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Nagtungo sa bayan ng South Upi si Maguindanao del Sur Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu, araw ng Martes, kung saan isinagawa ang payout ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD ng DOLE.

Ito ay bunga ng Ilang araw na pagsusumikap at paglilinis ng mga benepisyaryo sa mga maru
ruming kalye, tulay, at pasilidad sa kani-kanilang mga barangay.

Ang programang ito ay alinsunod sa 10 point Socio Economic Development Agenda ng Probinsiya na "Oportunidad para sa lahat".

Sa pamamagitan nito ay nabibigyang pansin ang bawat sektor sa probinsya kabilang na ang mga Displaced/Disadvantaged workers.

Kasabay ng TUPAD Payout ay ang Medical at Outreach Program ng probinsya.

Binisita rin ng gobernador ang mga senior citizen at volunteer teachers sa bayan.



Comments