UBJP President AL HAD MURAD EBRAHIM, tiniyak ang full commitment at suporta sa UBJP Lanao del sur slate sa 2025 Local and National Elections
- Diane Hora
- Feb 17
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ni UBJP President, BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim ang pulong sa pagitan ng mga kandidato ng partido sa Lanao del Sur, a-15 ng Pebrero sa Camp Darapanan, Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte

Tinalakay sa pulong ang paghahanda para sa nalalapit na kampanya kaugnay sa May 2025 local at national elections.

Pinag-usapan din ang mga plataporma at mga plano.
Binigyang diin ni UBJP Provincial Chief Executive Officer, Vice Gubernatorial Candidate Marjanie Mimbantas Macasalong, ang pinalalakas nilang hakbang lalo na sa lebel ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Bukod kay UBJP President, BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim at UBJP LDS Provincial Chief Executive Officer at Vice Gubernatorial Candidate Marjanie Mimbantas Macasalong, kasama rin sa pulong ang Party Vice President for Northern Mindanao Aleem Ali Solaiman, LDS Gubernatorial Candidate Rolan Abdul Rashid “Fiat” Macarambon, UBJP executive officers, at ang mga provincial at municipal candidates ng LDS Slate.
Tiniyak naman ng party president ang full commitment ng partido sa pagsuporta sa lahat ng kandidato ng UBJP LDS Slate para sa 2025 elections.
Comments