top of page

Umano’y drug den operator, patay; 2 arestado sa madugong buy-bust operation sa Upper Siling, Buluan, Maguindanao del Sur; Drug den sa lugar, sinira rin ng otoridad

iMINDSPH


Sa report ng PDEA BARMM, pinaputukan ng suspek na si alyas “Rolan” ang paparating na operating team habang tinatangka nitong tumakas.



Naganap ang operasyon, araw ng Huwebes, February 20.



Nagpaputok din daw ayon sa PDEA BARMM ang target suspek na si alyas “Dats” nang marinig nito ang pagpapaputok ng baril ni alyas “Rolan”.


Dito na umano gumanti ng putok ang operating tream na nagresulta sa palitan ng putok na tumagal ng labinlimang minuto.


Sugatan si alyas “Dats” matapos ang palitan ng putok na agad dinala sa pagamutan pero dineklara na wala ng buhay ayon sa attending physician ng ospital.


Nakatakas naman si alyas “Rolan” pero arestado ang isang alyas “Memo” at alyas “ King”.


Narekober at nakumpiska ng otoridad sa operasyon ang dalawampu’t lima na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng suspected shabu.


Tumitimbang ito ng mahigit kumulang 15 gramo at nagkakahalaga ng P102,000.


Nasamsam din ng otoridad ang iba’t ibang drug paraphernalia, isang motorsiklo, isang 9mm submachine gun, at pitong mga bala.


Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naarestong suspek kabilang na ang nakatakas na si alyas “Rolan”.


Katuwang ng PDEA BARM sa operasyon ang 21st Mechanized Infantry Company, 2nd Mechanized Battalion, Maguindanao Maritime Police Station, at Buluan Municipal Police Station.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page