top of page

UNEMPLOYMENT RATE SA BANSA, BUMABA AYON SA LABOR FORCE PARTICIPATION SURVEY NG PSA

  • Diane Hora
  • Dec 6, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Batay sa pinakahuling labor force participation survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), Bumaba ang unemployment rate o bilang ng mga walang trabaho sa bansa sa ikatlong quarter ng 2024 kung saan naitala sa 3.9% ang unemployment rate nitong Oktubre, base sa ibinahaging report ng Radyo Pilipinas.



Bagamat mas mataas ito sa 3.7% unemployment rate noong Setyembre, malaki naman ang ibinaba nito mula sa 4.7% noong Hulyo.



Katumbas naman ito ng 1.97 milyong Pilipino na walang trabaho sa bansa.


Kaugnay nito, aabot rin sa 96.1% ang employment rate o katumbas ng 48.16 milyong Pilipino ang may trabaho o negosyo.


Ang underemployed o mga manggagawang hindi napapasweldong sapat at nasa trabahong hindi angkop sa kanilang kakayahan ay naitala naman sa 12.6%.


Kabilang naman sa mga industriyang nakaambag sa pagtaas ng employment rate ang agriculture at forestry, admin at support service activities, human health at social work, education, at transportation at storage.

 
 
 

Comentários

Avaliado com 0 de 5 estrelas.
Ainda sem avaliações

Adicione uma avaliação

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page