Usapin hinggil sa early marriage, ilan sa mga probisyon na tinalakay sa public hearing hinggil sa proposed Gender and Development Code
- Diane Hora
- Jan 22
- 1 min read
iMINDSPH

Nagharap ang mga local leaders at stakeholders mula sa probinsya ng Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur, araw ng Martes, January 21 sa Cotabato City sa isinagawang pagdinig ng Women, Youth, Children, and Persons with Disabilities Committee ng BTA Parliament.

Hinimay sa pagdinig ang mga probisyon na nakapaloob sa proposed Gender and Development Code o GAD Code ng BARMM
Nilalayon ng pagsusulong ng panukalang batas na matugunan ang mga usapin na kinakaharap ng mga mamamayan ng rehiyon tulad ng early marriage, discrimination, at limited opportunities para sa kababaihan at kabataan.
Sinabi ni Atty. Cyrus Torreña, ang provincial administrator ng Maguinadnao del Sur na mayroon ng GAD Code ang Magsur at pinalalakas nito ang kakayahan ng mga kakabaihan sa probinsya.
Ipinaliwanag naman ni Committee Chair Diamila Disimban-Ramos na ang GAD Code ay naglalayon na magbigay ng oportunidad sa kalalakihan at kababaihan, protektahan ang bawat isa mula sa pang aabuso at diskriminasyon at tiyakin na ang lahat sa rehiyon ay mayroong access sa government programs at services.
Comments