Usapin hinggil sa grants, loans at income mula sa Government-Owned and Controlled Corporations, tinalakay sa patuloy na paghimay sa proposed Bangsamoro Revenue Code
- Diane Hora
- Feb 6
- 1 min read
iMINDSPH

Pinag-aralan muli ng Committee on Ways and Means ang Title VI ng proposed Bangsamoro Revenue Code kung saan napasailalim ang usapin hinggil sa grants, loans, at income ng Government-Owned and Controlled Corporations o GOCCs.

Iprenisinta ng economist na si Noraidah Macapantar mula sa Ministry of Finance, Budget, and Management ang projection para sa steady revenue growth na may pagtaya na 4.9 billion pesos itong 2025 at 7.6 billion pesos sa taong 2030.

Ipinaliwanag nito na ang paglago ay aasahan mula sa improved tax collection at matibay na economic performance sa rehiyon.
Comentários