top of page

Wanted person, umano’y cigarette smuggler at 2 drug suspects, arestado ng otoridad sa magkakahiwalay na operasyon at pagsisilbi ng warrants of arrest sa South Cotabato

  • Teddy Borja
  • Apr 10
  • 1 min read

iMINDSPH



Sa Surallah-

Tiklo ang 38-anyos na suspek na kinilala sa alyas “Johnny” matapos arestuhin sa bisa ng warrants of arrest sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Physical Injuries and Damage to Property, a -9 ng Abril.


Sa Polomolok-


Tiklo ang 32-anyos na si alyas “Froilan” sa ikinasang anti-smuggling operation ng otoridad. Nasamsam ng otoridad sa operasyon ang 13 reams ng smuggled cigarettes na nagkakahalaga ng ₱5,000 at isang motorsiklo.


Haharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10863 at RA 10643.


Samantala sa Tantangan at Surallah-


Timbog ang isang alyas “Ali” 21 years old at isang alyas “Ban-Ban” 30 years old matapos makumpiska ng otoridad sa isinagawang buy-bust operation ang 0.891 gramo ng suspected shabu na nagkakahalaga ng mahigit ₱6,000.


Nakumpiska rin ng otoridad ang drug paraphernalia at marked money.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page