Zamboanga City Mayor John Dalipe, kinondena ang pamamaslang sa mag-asawa sa Zambonaga City kung saan binaril ang misis sa presensiya mismo ng apat na taong gulang na anak ng mga biktima
- Diane Hora
- Jan 23
- 1 min read
iMINDSPH

Nag-iinspeksyon lamang sa konstruksyon ng pinapagawang tindahan si Fathie Bara Loong at Bai Rivalia nang lapitan ng gunman at binaril.
Sinunod naman ng suspek ang asawa nitong si Bai Rivalia na nasa loob ng kanilang sasakyan kasama ang apat na taong gulang na anak nila.
Naganap ang pamamaril bago mag alas 9 ng umaga araw ng Miyerkules sa Barangay Boalan, Zambaonga City.
Ngayong araw, nahuli na ng mga elemento ng Zamboanga City Police Office ang suspek.
Ito ang isinapubliko ng ZCPO sa kanilang facebook post.
Ayon sa ZCPO, base sa tracker team ng ZCPO at mga elemento ng Police Station 5 ng lungsod, nakakuha sila ng critical evidence na nagresulta sa pagkakatukoy sa supsek. Positibo rin umanong tinukoy ng mga testigo sa lugar ang suspek.
Base sa preliminary investigation, iniuugnay ang nangyaring pamamaril sa nangyayaring away sa lupa. Patuloy pa ang pangangalap ng dagdag na leads ang otoridad sa insidente.
Comentarios