1,219 residente ng Shariff Saydona Mustapha, ang tumanggap ng ayuda mula sa Project TABANG
- Diane Hora
- Aug 22
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ng Rapid Reaction Team ang pamamahagi ng 491 sako ng tig-25 kilo na bigas sa mga residente ng Barangay Libutan at Barangay Linantangan noong Agosto 19, 2025.
Umabot sa 1,219 na benepisyaryo ang nakatanggap ng ayuda bilang bahagi ng Ayuda Alay sa Bangsamoro (ALAB) sub-program. Layunin ng distribusyon na magbigay ng agarang tulong sa mga pamilyang nangangailangan at masiguro na may sapat na pagkain ang mga mahihirap na kabahayan.
Sa ilalim ng ALAB sub-program, pinagtitibay ng Bangsamoro Government ang pangako nitong maghatid ng responsive at inclusive assistance, at tiyaking direktang naipararating ang tulong sa mga nasa pinakapangunahing antas ng lipunan.



Comments