top of page

Fish vendor, patay sa pamamaril sa Barangay Kayaga, Kabacan, Cotabato

  • Diane Hora
  • 57 minutes ago
  • 2 min read

iMINDSPH


ree

Patay ang isang fish vendor matapos pagbabarilin sa kahabaan ng national highway sa Sitio Malabuaya, Barangay Kabacan, Cotabato.


Sa ulat ng Kabacan Police Station, bandang 7:30 ng umaga ng Disyembre 28, nang makatanggap sila ng report kaugnay ng isang shooting incident sa national highway ng Sitio Malabuaya, Barangay Kabacan, Cotabato.


Agad rumesponde ang alert team ng pulisya at nagsagawa ng imbestigasyon sa lugar, kung saan nadatnan ang biktima na nakasakay pa sa kanyang tricycle at may tama ng bala sa ulo.


(Kahapon, at around 7:30 ng umaga, nakareceive ang ating Kabacan Police Station ng report kaugnay ng isang shooting incident.... tricycle ngunit ito ay may tama ng bala sa ulo.)


Isinugod pa sa ospital ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival ng mga attending physician.


Kinilala ang biktima na si “Brooks,” 52 taong gulang, residente ng Barangay Buklod, Datu Montawal, Maguindanao del Sur.


Ayon sa pulisya, may inisyal na motibo na silang tinitingnan sa insidente at mayroon na ring person of interest. Ayon sa imbestigasyon, posibleng paghihiganti ang motibo ng krimen, kaugnay ng naunang shooting incident sa Datu Montawal, Maguindanao del Sur, kung saan residente ang biktima.


(May initial na motibong nakikita ang kapulisan dahil meron na rin person of interest. Ito po ay isang paghihiganti sa isang nangyarin ding shooting incident sa area ng Datu Montawal, Maguindanao del Sur, kung saan residente ang biktima.)


Nilinaw naman ng pulisya na lehitimong fish vendor ang biktima na nagtitinda sa bayan ng Kabacan.


Sa ngayon, patuloy ang pangangalap ng karagdagang mga testigo at inihahanda na ang mga kaukulang dokumento upang maisampa ang kaso laban sa person of interest.


(Sa ngayon po piniprepare na rin po yung kaukulang dokumento, nangangalap nalang ng dagag na witnesses para maifile na ang ang kaso laban dito sa ating person of interest.)


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page