Bagong listahan ng fireworks na pasado sa Philippine Standard Quality Mark, inilabas ng DTI
- Diane Hora
- 2 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, naglabas ang Department of Trade and Industry (DTI), sa pamamagitan ng Bureau of Philippine Standards (BPS), ng bagong listahan ng mga fireworks na pasado sa Philippine Standard (PS) Quality Mark.
Ayon sa advisory ng DTI-BPS noong Disyembre 26, sampung manufacturers ang may valid PS Certification Mark License, kabilang ang Diamond Fireworks, Dragon Fireworks, Dreamlight Fireworks, JPL Fireworks, Nation Fireworks, at iba pa, upang masiguro ang ligtas na selebrasyon.



Comments