1.3 million pesos na halaga hinihinalang smuggled cigarettes, nakumiska ng awtoridad sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte; 2 suspek, arestado
- Teddy Borja
- 7 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa ang intel-driven checkpoint operation alas 2:30 ng hapon, araw ng Huwebes, July 31, 2025 sa Dalican-Upi road.
Inilunsad ang operasyon sa pangunguna ni Lt. Col. Esmael Madin matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang regular confidential informant hinggil sa isinasagawang transportasyon ng mga ipinuslit na sigarilyo mula Lebak, Sultan Kudarat patungong Buluan, Maguindanao del Sur.
Kaagad na naglunsad ng checkpoint ang DOS MPS sa naturang lugar upang harangin ang target na sasakyan.
Bandang 2:30 ng hapon, isang Isuzu Elf close van na may plakang JAB 7246 ang na-intercept.
Sa inspeksyon ng sasakyan, natuklasan ang tatlumpu’t limang kahon ng hinihinalang smuggled cigarettes na itinago sa likod ng mga sako ng ipa ng palay.
Tinatayang nagkakahalaga ito ng ₱1,345,690.
Bigong magpakita ng anumang kaukulang dokumento tulad ng import permit ang dalawang suspek, dahilan upang agad silang arestuhin at kasalukuyang nasa kustodiya ng DOS MPS para sa imbestigasyon at posibleng pagsasampa ng kaukulang kaso.
Comments