top of page

MOLE, nakiisa sa mga key BARMM Ministries at international development partners sa Learning Exit Conference para sa Resilient Livelihoods Development (RLD) Project

  • Diane Hora
  • 6 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Isa ang Ministry of Labor and Employment (MOLE), sa pamumuno ni Minister Muslimin “Bapa Mus” Sema sa mga nakiisa kasama ang key BARMM ministries at international development partners sa Learning Exit Conference para sa Resilient Livelihoods Development (RLD) Project na ginanap noong Hulyo 31, 2025 sa Cotabato City.


Ang RLD Project ay nakatuon sa pagbibigay-kakayahan sa mga internally displaced na kababaihan at kabataan sa lalawigan ng Maguindanao sa pamamagitan ng mga inclusive at gender-responsive livelihood programs.


Tampok sa pagtitipon ang mga kwento ng katatagan at pagbabago ng mga benepisyaryo, na nagsilbing inspirasyon sa iba pang sektor na apektado ng krisis.


Ang nasabing aktibidad ay hudyat ng matagumpay na pagtatapos ng 2022–2025 RLD Project, isang inisyatiba ng Bangsamoro Government katuwang ang Food and Agriculture Organization (FAO) ng United Nations, United Nations Population Fund (UNFPA), at Government of Australia sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs and Trade (DFAT).


Sa pamamagitan ng kolaborasyong ito, higit pang napalalim ang adbokasiya ng Bangsamoro Government at mga international development partners sa pagpapatibay ng kabuhayan at pagpapalawak ng oportunidad para sa mga kababaihan at kabataang patuloy na bumabangon mula sa displacement at kahirapan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page