Japanese Ambassador to the Philippine Endo Kazuya, nakipagpulong kay Governor Reynaldo Tamayo Jr. para sa nakatakdang pagbisita sa mga proyektong pinondohan ng Japan sa lalawigan
- Diane Hora
- 6 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Ayon kay Governor Reynaldo Tamayo Jr., naging makabuluhan at puno ng pag-asa ang kanilang pag-uusap ng ambassador kung saan nagpalitan ang mga ito ng hangarin para sa mas matibay na pagtutulungan sa mga darating na panahon.
Ang pagbisita ni Ambassador Kazuya ay bahagi ng kanyang layunin na makita mismo ang ilang proyektong pinondohan ng Pamahalaang Hapones sa South Cotabato, kabilang ang:
• Tatlong (3) yunit ng 2-classroom buildings sa Dumadalig Integrated School, Tantangan
• Pagtatayo ng Level II Water Supply System sa Barangay Kablon, Tupi
• at Pagtatayo ng gusali para sa Technical Vocational Education and Training (TVET) Center sa Tampakan
Ang mga proyektong ito ay patunay ng matatag na suporta ng Japan sa lokal na kaunlaran.
Inihayag ni Gov. Tamayo ang matibay na hangarin ng pamahalaang panlalawigan na palalimin pa ang ugnayan sa Japan, lalo na sa mga larangan ng disaster preparedness, kalusugan, edukasyon, imprastruktura, at renewable energy.
Bilang pangulo ng LPP, pinuri ni Gov. Tamayo ang pagbibigay-halaga ng embahada sa kahalagahan ng pinalalakas na ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng national at local governments.
Ibinahagi rin ni Ambassador Kazuya ang kanyang pananaw sa pagpapalalim ng relasyon sa mga lider ng lalawigan, bilang susi sa mas makabuluhang palitan ng kaalaman at proyekto sa pagitan ng Japan at Pilipinas.
תגובות