top of page

₱1.7 million na halaga ng suspected shabu, nasamsam ng awtoridad sa buy-bust operation sa Baliwasan, Zamboanga City; 2 HVIs, arestado sa operasyon

  • Teddy Borja
  • Dec 1
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nasamsam ng awtoridad ang ₱1.7 million na halaga ng suspected shabu sa inilunsad na buy-bust operation kung saan arestado ang dalawang High Value Individuals.

Naganap ang operasyon, araw ng Sabado, November 29, 2025, ganap na ala-5:20 ng hapon sa Canelar Street, Barangay Baliwasan ng syudad.


Ang mga suspek ay edad 35-anyos at 60-anyos, parehong residente ng lungsod.


Tumitimbang ng mahigit kumulang 250 gramo.


Ang nasamsam na shabu ay isinailalim sa pagsusuri ng Regional Forensic Unit 9 at ang mga suspek ay dinala sa Zamboanga City Medical Center para sa medikal na pagsusuri.


Pansamantalang kinustodiya ng ZCPS 11 ang mga suspek habang inihahanda ang kaso laban sa kanila sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page