top of page

958 IDPs sa Marawi City, tumanggap ng livelihood assistance mula sa Bangsamoro Sagip Kabuhayan program

  • Diane Hora
  • 3 minutes ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Isinagawa ang distribusyon sa Marawi City Gymnasium mula Disyembre 23 hanggang 25, 2025, para sa mga beneficiaries mula sa Most Affected Areas (MAA) at Other Affected Areas (OAA).


Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng ₱15,000 na seed capital, na magsisilbing panimulang puhunan upang muling itatag ang kanilang kabuhayan at paunlarin ang sariling kakayahan.


Ayon kay MSSD Minister Raissa Jajurie, ang tulong na ito ay hindi lamang simpleng aid kundi isang konkretong hakbang upang matulungan ang mga IDPs na muling bumangon at makapagsimula ng bagong kabuhayan, walong taon matapos ang Marawi Siege.


Ang Bangsamoro Sagip Kabuhayan ay pangunahing programa ng MSSD na naglalayong suportahan ang economic recovery sa rehiyon at magbigay ng pag-asa sa mga IDPs habang muling itinatayo ang kanilang buhay.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page