1,860 residente ng Bubong, Lanao Del Sur, benepisyaryo sa isinagawang medical mission ng Project TABANG katuwang ang tanggapan ni MP Atty. Alirakim Munder
- Diane Hora
- Aug 22
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa ang medical mission sa bayan ng Bubong, Lanao del Sur araw ng Martes, a-dose ng Agosto 2025.
Pinangunahan ng Health Ancillary Services ng Project TABANG ang implementasyon ng Serbisyong Ayudang Medikal (SAM) program.
Abot sa 1,860 residente ang nakabenepisyo kung saan 663 lalaki at 1,197 babae ang nakapagpakonsulta ng libre at nabigyan ng libreng gamot.
Ang isinagawang programa ayon sa Project TABANG ay pagpapakita ng pangakong mailapit sa mamayang Bangsamoro ang mahahalagang serbisyong medikal sa pangangalagang pangkalusugan.



Comments