top of page

₱1.8M halaga ng smuggled cigarettes, nasamsam ng awtoridad sa isang checkpoint sa Kiamba, Sarangani

  • Teddy Borja
  • Nov 25
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nasamsam ng awtoridad ang ₱1.8 million halaga ng smuggled cigarettes sa isang checkpoint sa bayan ng Kiamba.


Ayon sa report ng awtoridad-

Minamaneho ng isang alyas “Nel”, 39 years old, ang isang truck lulan ang may kargang hinihinalang smuggled cigarettes, bandang alas-5:00 ng hapon, Biyernes, November 21, nang pinigil ng awtoridad sa Barangay Katubao.


Sa inspeksyon, napansin ng mga pulis ang ilang reams ng hinihinalang smuggled cigarettes na lantad sa loob ng truck, kaya agad na inaresto ang driver.


Ang suspek, nakumpiskang sigarilyo, at ang truck ay dinala sa Kiamba Municipal Police Station para sa dokumentasyon.


Ang mga nakumpiskang sigarilyo ay ituturn-over sa Bureau of Customs sa General Santos City para sa tamang disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page